Pinalaya ng military junta ang walo sa 11 katao na ikinulong sa Myanmar.
Ito ay matapos nakipag-usap ang mga ito sa isang journalist na pinayagang makapasok sa nasabing bansa at makapag-report simula nang mangyari ang kudeta noong buwan ng Pebrero.
Pinayagan ng militar na makapag-tour ang team ng journalist sa Ten Miles bazaar sa Yangon at Mingaladon kung saan marami umanong mga residente sa lugar ang gustong magpa-interview sa kanila kaugnay sa nagpapatuloy na protesta laban sa military junta.
Ngunit, nililimitahan lamang ng militar ang galaw ng mga journalist sa nasabing lugar at pinapanatili lang sila sa military compound.
Napag-alaman na umakyat na sa 550 ang namatay na mga protesters sa nagpapatuloy na protesta sa Myanmar. (with reports from Bombo Jane Buna)