-- Advertisements --

Dinampot ng mga otoridad sa Cabuyao, Laguna ang 11 indibidwal na nagprotesta laban sa Anti-Terrorism Law nitong Sabado.

Ito’y isang araw lamang matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol mula sa iba’t ibang mga sektor.

Ayon sa Philippine Collegian, idinetine ang mga naaresto sa barangay hall ng Pulo.

Isa rin umano sa mga naaresto si Marife Valdeavilla, secretary general ng Kabataan Partylist Laguna.

Noong nakaraang linggo nang dakpin din ng mga kinauukulan ang 20 LGBT members na nag-rally sa Mendiola Street sa Maynila.