-- Advertisements --

ROXAS CITY – Arestado ang 11 indibidwal matapos maaktuhan na nagsasagwa diumano ng iligal na sabong sa Sitio Cabriana, Barangay Agcococ, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang mga naaresto na sina Eduardo Glory, Ignacio Farillon, Wilbert Gicole, Dornie Nallas, Joebel Mentino, Fredi Roberto, Elmer Victoriano, Bobby Ganat, Ricky Natividad, Roger Gapasinao at Jolito Focbit.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tapaz PNP na habang nagsasagawa ng operasyon ang mga kapulisan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na nagsasagawa ng iligal na pabulang sa naturang lugar.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang 13 manok kung saan 7 dito ang patay at 6 naman ang buhay at isang bag na may laman na mga kagamitan na ginagamit sa sabong.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Tapaz Municipal Police Station ang naturang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.