Napagsak ng air defense forces ng Ukraine ang nasa 11 Iranian-made drones na tinatarget ang Kyiv.
Ayon sa Kyiv military administration, tinamaan ng ilang drone fragment ang dalawang administrative buildings sa sentro ng kabisera.
Sa ngayon, wala pang napapaulat na casualties sa insidente.
Una rito, makailang ulit na ring tinatarget ng Russia ng missiles at drones ang energy infrastructure ng Ukraine simula pa noong Oktubre. Inakusan din ng ukraine ang Iran ng pagsusuplay ng Kamikaze drones na ginamit sa deadly attack noong oktubre 17.
Samantala, isinasapinal na ng Biden administration ang planong pagpapadala ng advanced long-range air defense system sa Ukraine para tulungang ma-counter ang pag-atake ng Russian forces.
Nauna ng nagbigay ng $19 billion halaga ng aid package ang European Union sa Ukraine.
Sinabi din ng isang Russian commander na hindi kayang talunin ng Russia ang alyansa ng North Atlantic Treaty organization (NATO) nang hindi gumagamit ng nuclear weapons.