-- Advertisements --
Ibinunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte na 11 sa kaniyang mga kasamahan sa bahay kabilang ang mga bata ay dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Presidential daughter na karamihan kasi sa kaniyang mga kasamahan sa bahay hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine.
Sa una ay nagnegatibo ito sa virus matapos ang pagpositibo ng 11 kasamahan nito subalit ng suriin siya muli dahil nakadama siya ng pananakit sa lalamunan ay doon siya nagpositibo noong Oktubre 9.
Gumaling din lahat aniya ng mga kasamahan nito sa bahay at maging ang mga nakasalamuha nila ay hindi na rin pinalabas sa kanilang mga kabahayan.