-- Advertisements --

COTABATO CITY – Pinabulaanan ni Pigcawayan Chief of Police Major Ivan Samoraga ang alegasyon ng umanoy pambubugbog ng mga pulis sa mga menor de edad na lumabag sa curfew.

Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay Pigcawayan Deputy Officer Lt. Leonalyn Sison, na sinunod ng mga otoridad ang tamang proseso sa panghuhuli ng mga violators kaya wala umano silang nilabag sa batas.

Hindi rin umano totoo na sinaktan ng mga pulis ang mga menor de edad.

Dagdag pa nito, naabutan nilang nagmo-movie marathon ang 11 katao kabilang ang apat na babae, habang pito naman sa ang lalaki.

Sinabing nagdulot ang mga ito ng ingay dakong alas-11:00 ng gabi at nakakaistorbo na ang mga ito sa kanilang mga kapitbahay kaya napagdesisyon ng mga otoridad na dalhin ang mga violators sa kanilang holding area para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, sa naging pahayag naman ng mga biktama sa panayam ng Star FM Cotabato, bago pa umano sila dalhin sa himpilan ng pulisya ay binatukan, pinagsusuntok, sinampal at sinabunutan umano muna sila ng isang pulis na rumisponde sa lugar.

Ipinasok pa umano ang isa nilang kasama sa detention cell at pinagsusuntok umano ng preso ang kanilang kasama.

Napag-alaman na mayroon nang record ang mga biktima ng panggugulo sa lugar, ngunit hindi tama ang ginawa ng mga pulis ayon naman kay Municipal Social Welfare and Development Office head Mariam Joy Quilban sa panayam ng Bombo Radyo.