-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang 11 katao na nakasalamuha ng babaeng tinaguriang “Poblacion girl” na tumakas sa mandatory quarantine pagkagaling sa US noong Disyembre.

Ayon sa Department of Health (DOH) na pito sa 11 close contact nito ang nagpositibo sa coronavirus.

Kabilang din ang tatlo sa 26 general contacts nito ang mga miyembro ng dalawang restaurants ganon din ang lima sa itinuturing na second generation contacts.

Sinisi naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hotel kung saan tumira ang babae dahil sa pinayagan itong makalabas.

Tiniyak naman ng Berjaya Hotel sa lungsod ng Makati na kanilang pananagutin ang mga miyembro at staff nila.