-- Advertisements --

Hindi bababa sa labing isang katao ang nasunog ng buhay sa isang limang palapag na residential /commercial building sa Carvajal St. Binondo, Manila kanilang pasado alas 8 ng umaga.

Ito ang kinumpirma ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa mga kawani ng media.

Ayon sa BFP , kabilang sa mga nasawi ay mismong asawa ng may-ari ng naturang building habang ang ibang bangkay at patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan.

Naapula na ang apoy ngunit patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.

Inaalam rin ng ahensya ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na nasira at nilamon ng apoy.

Nagpaabot rin ito ng pakikiramay sa mga nawalan ng pamilya at mahal sa buhay dahil sa naturang insidente.