Kumitil ang 11 katao habang nasugatan naman ang 30 iba pa kabilang ang 5 mga bata sa magdamag na missile at drone attacks ng Russia sa eastern city ng Dobropillia sa Donetsk region.
Ayon sa Emergnecy services ng Ukraine, napinsala din ng pag-atake ang 8 residential buildings, isang administrative building at 30 sasakyan.
Ayon sa Ukraine Interior Ministry, ginamit ng Russian forces sa magdamag na pag-atake ang 2 ballistic iskander missiles at isang cruise missile, kabuuang 145 drones kasama ang dummy drones.
Sinabi naman ng Ukraine na naharang ng kanilang fighter jets at mobile fire groups na nasa ground ang cruise missile at 79 na drones ng Russia.
Ginawa ng Russia ang pagpapaigting pa ng kanilang aerial assault sa Ukraine kasunod ng pagpapahinto ng Amerika ng intelligence sharing nito sa Kyiv.