Isang grupo naman ng mga armadong kalalakihan ang bigla na lamang umatake sa isang bar sa Belem City, Brazil kung saan 11 katao ang iniwan nitong patay.
Ayon sa mga otoridad, anim na kababaihan at 5 lalaki ang nasawi sa nasabing insidente. Pitong lalaki naman ang hinihinalang sangkot sa malagim na pag-atake.
Dagdag pa ng mga ito, nakasakay ang mga suspek sa isang motorsiklo at tatlong kotse.
Noong Marso lamang nang magpadala ang federal government ng hukbo ng mga militar upang bantayan ang seguridad ng mga mamamayan nito sa loob ng 90 araw.
“A massacre is confirmed,†pagkumpirma ni Pará state spokeswoman Natalia Mello.
Sa ngayon ay wala pang impormasyon na nakakalap ang mga pulis sa motibo ng pamamaril. Hindi rin sila nagbibigay pa ng pagkakakilanlan ng mga biktima.
Umabot na sa 64, 000 homicides noong 2017, halos 70% nito ay dahil sa pamamaril, ang naitala sa bansa.