-- Advertisements --
Sugatan ang 11 katao matapos ang pagtama ng turbulence ang sinakyan nilang eroplano sa Germany.
Ang Lufthansa fligth ay galine sa Buenos Aires at patungo sana ito sa Frankfurt ng mangyari ang insidente.
Ayon sa airline company na limang pasahero at anim nilang crew ang nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Mabilis naman silang nabigyan ng lunas at dinala ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan.
Ang Boeing 747-8 na eroplano ay may sakay na 329 na pasahero at 19 crew members ng mangyari ang insidente.