Naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng bagong listahan ng mga online lending companies na binigyan ng cease and desist order (CDO).
Ayon kay SEC Commissioner Kelvin Lee, 11 kompaniya ang kanilang pinahihinto sa operasyon dahil sa kawalan ng sapat na permit at iba pang kinakailangang dokumento.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
A&V LENDING MOBILE;
A&V LENDING INVESTOR;
A.V. LENDING CORPORATION; CASHAKU;
CASHASO;
CASHENERGY;
HAPPY LOAN;
PESO PAGASA;
VITO LENDING CORP.;
PHILY KREDIT;
RAINBOW-CASH
at RAINBOWCASH.PH LENDING CORP.
Pinapayuhan ng SEC ang publiko na mag-ingat sa pagpasok ng deal sa mga ganitong kompaniya dahil hindi umano ito dumadaan sa prosesong pinapayagan ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, halos 1,000 lending institutions na ang naipasara dahil sa sari-saring paglabag.