-- Advertisements --
15

BACOLOD CITY – Nasa 11 sa 31 na lungsod at munisipalidad sa Negros Occidental ang iisa lamang ang alkaldeng tatakbo sa darating na 2022 elections.

Ayon sa opisyal na listahan ng Commission on Elections (Comelec) sa Negros Occidental, karamihan sa mga alkaldeng walang kalaban ay mga incumbent mayors.

Sa lungsod ng Sipalay, muling tatakbo bilang alkalde si Mayor Maria Jena Montilla Lizares kasama si incumbent Vice Mayor Oscar Montilla Jr.

Muli ring magpapapili si Mayor Renato Gustilo at Vice Mayor Christopher Carmona sa San Carlos City.

Nag-iisa namang nag-file ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si incumbent Mayor Marxlene Dela Cruz sa pagka-mayor at Vice Mayor Nehemiah Jose Dela Cruz sa pagkabise-alkalde.

Wala ring kalaban si Mayor Narcissa Javelosa Jr. at Vice Mayor Rafael Cueba sa lungsod ng Sagay.

Sa Pulupandan, nagpalit lamang ng posisyon sina Mayor Miguel Peña na nagdesisyong tumakbo bilang bise alkalde sa 2022 at Vice Mayor Antonio Suatengco na gusto namang maging alkalde.

Sa Bago City, muling tatakbo si Mayor Nicholas Yulo at Vice Mayor Ramon Torres.

Wala naman kalaban si Mayor Henry Tabujara sa pagkaalkalde at Vice Mayor Analisa Tabujara Soriano sa Cauayan kagaya din ni Mayor Marvin Malacon sa EB Magalona.

Sa Ilog, magpapa-reelect si Mayor John Paul Alvarez at Vice Mayor Henaro Rafael Alvarez.

Nag-iisa ring tatakbo bilang alkalde si incumbent Mayor Manolet Escalante III sa Manapla kasama pa rin si Vice Mayor Edgar Pagayunan.

Wala ring kaagaw si Mayor Jose Maria Alonzo sa posisyon at Vice Mayor Jimmy Gawan sa Pontevedra.

Ang natitirang mga local government units (LGUs) sa Negros ang may dalawa hanggang apat na mga kandidato sa pagka-mayor sa darating na eleksyon.