-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mahigit isang daang mga residente sa mga bayan ng Cagdianao at San Jose sakop ng Dinagat Islands province ang nabigyan ng psychological first aid sa mga medical experts sa pangunguna ng provincial government mataposang hagupit ng bagyong Odette.

Base sa situational report ng Dinagat Islands LGU, sa bayan ng Cagdianao, nasa 55 mga adults mula sa Brgy. Boa, Cuarinta at Luna ang nakabenepisyo nito habang 27 naman ang mga bata at mga teenagers.

Samantala sa San Jose, 40 mga adults naman ang nabigyan nito mula sa Brgy. Jacquez at Matingbe kung saan sa dalawang mga bayan, 11 ang mayroong dysfunction disorder at patuloy na mino-monitor.

Sa 11 kataong may dysfunction disorder, dalawa sa mga ito ang mayroong major depressive disorder, 5 ang may acute stress disorder, dalawa ang may adjustment disorder tig-iisa naman ang mayroong brief psychotic at schizoprhrenia disorders.