Umabot sa 11 mga Amerikanong may kinakaharap na kaso ang naaresto dito sa Pilipinas.
Ayon kay US Department of States Spokesperson Morgan Ortagus naaresto ang mga ito mula Agosto 2018 hanggang Abril 2019.
Ang mga nahuli ay may kinakaharap na mga kasong murder, securities fraud, child abuse at sexual assault.
Naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipag-ugnayan ng Diplomatic Security Service (DSS) ng US Embassy sa Manila, US Marshals Service at mga otoridad sa Pilipinas.
Agad na dinala ang mga naaresto sa Amerika para doon harapin ang paglilitis sa kanila.
Kasabay nito ipinaabot ni Ortagus ang pasasalamat ng Amerika sa mga otoridad at Philippine government sa matagumpay na pagtutulungan laban sa mga wanted ng batas.
“DSS (Diplomatic Security Service) worked with the U.S. Marshals Service and Philippine law enforcement partners to return these fugitives to face justice in the United States,” ani Ortagus. “We thank the Government of the Philippines for their longstanding support, and look forward to our future cooperation as friends, partners, and allies.”