-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Isang 11-month old na sanggol ang panibagong nadagdag sa bilang ng mga namatay na probable COVID-19 patients ng Zamboanga del Sur.

Sa inilabas na report ng local task force, kinilala ang bata na residente ng Panubigan, Pitogo at naiulat na na-admit sa Margosatubig Regional Hospital.

Ang cause of death daw ng sanggol ay pediatric community acquired pneumonia at severe acute gastroenteritis.

Sa ngayon hinihintay pa ang resulta ng swab test sa namatay na baby.

Ito na raw ang ikawalong kaso ng mga namatay na probable COVID-19 case sa lalawigan.

Samantala, isang recovered patient naman mula sa bayan ng Labangan ang sinasabing nagpositibo mula sa COVID-19 test.

Ayon kay Dr. Robert Capatoy, spokesperson ng local task force na noong April 6 pa na-discharge ang nasabing pasyente.

Naka-quarantine na raw ito ngayon at nananatiling asymptomatic.