-- Advertisements --

Halos magkakasunod na sumemplang ang nasa 11 motorsiklo sa habang binabaybay ang isang kalsada sa Mangaldan, Pangasinan.

Ito ay nang dahil sa tumagas na langis mula sa isang naka-park na truck sa lugar na kalauna’y kumalat at naging sanhi ng pagsemplang ng naturang mga motor.

Sa ngayon ay naglagay na kusot ang mga otoridad sa mga lugar na apektado ng tumagas na langis upang maiwasang maulit pa ang naturang insidente.

Habang tinawagan na rin ng pansin ng mga ito ang driver ng nasabing truck.