Aabot sa kabuuang 11 barangays sa San Pedro City , Laguna ang nalubog sa baha dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Ito ay mula sa kabuuang 27 barangays sa San Pedro City.
Ayon kay San Pedro City Congresswoman Ann Matibag , partikular na lumubog sa baha ang mga barangay na malapit sa Laguna Lake kung saan inilikas ang mga residente sa evacuation centers.
Kaugnay nito, nagpatawag si Matibag at si Atty. Melvin Matibag ng inter-agency meeting sa San Pedro top offices para talakayin ang pangmatagalang solusyon sa problema sa pagbaha sa panahon ng bagyo.
Sumama rin sa pulong ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways,National Disaster Risk Reduction and the Management Council , San Pedro City Engineers, at ang Laguna Lake Development Authority.
Kasama sa napagkasunduang solusyon ay ang improvement ng drainage systems at sewers ng lungsod, gayundin ang pagtatayo ng pumping stations, at flood control gates hanggang sa Laguna Lake.
Isinusulong din ni Matibag ang pag-filter sa tubig-ulan para mapakinabangan ito ng mga residente.