-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang labing isang (11) miyembro ng Bangsamoro ng Islamic Freedom Fighters at dalawang miyembro ng New Peoples Army sa 601st Brigade sa Barangay Calandagan, Tacurong City.

Inihayag ni Col. Oriel Pangcog, Commander ng 601st brigade, ang mga sumukong rebelde ay may bitbit na ibat-ibang uri ng mga matataas na baril at mga explosibo sa kanilang pagbalik-loob sa gobyerno.

Kasabay nito, ipinasiguro ni Col. Pangcog, na tatanggap ng tulong pinansyal o livelihood assistance ang mga sumukong rebelde.

Isasailalim din sa training ang mga ito upang may magagamit sa pagsimula ng kanilang bagong buhay.

Napag-alaman na kabilang sa mga sumukong rebelde ay isang babae na nagsisilbing collector ng revolutionary tax at miyembro ng medical team ng NPA.