-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Posibleng madagdagan pa ang 11 mga kaso na isinampa laban kina Jorgeto Corpuz Santisas alyas Datu Adlaw, Bae Lourdes Latraca Infante, Jhavie Latraca Infante at mga miyembro ng Federal Tribal Group of the Philippines.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa ginawang pagkandado ng mga ito sa mga business establishements sa Surigao City at nagsagawa pa ng checkpoint.

Ayon kay Police Lt. Col. Atty. Mariano Lukban, hepe ng Surigao City Police Station, mayroon na silay complete identity sa halos 40 mga miyembro ng Federal Tribal Group of the Philippines na respondents sa mga kaso.

Hihintayin na lamang nila ang resolosyon galing sa piskal upang ma-file na ito sa korte.

Napag-alamang 2018 pa nabuo ang nasabing grupo sa Surigao City na nagpakilalang religious organization.