SULTAN KUDARAT – Sumuko sa militar ang nasa 11 miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa mga sundalo ng Philippine Army (PA) kaninang alas-10:00 ng umaga sa Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Ayon kay 1Lt. John Austin Jamora, commanding officer ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion na kasamang isinuko ng 11 NPA rebels ang kanilang walong high powered firearms kabilang ang 5 M16 rifles, 2 M1 Garand rifles at 1 AK 47 rifle.
Giit ni Jamora na ang mga sumukong miyembro ng NPA ay mula sa tribong Manobo at mga residente ng Midtungok.
Nakilala ang mga rebelde na sina: Ayob Mopac, Benjamin Kalay, Samauel Badak, Mel Pandi, Kang Mopac, Tiin Mooac, Usad Mopac, Long Oding, Sebio Masandag, Gabriel Mopac at Nonot Lapi.
Pahayag naman ni Col. Bismark Soliba, commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade na nawawalan na ng miyembro ang NPA sa lugar dahil sa demoralization sa kanilang hanay.
Giit ni Soliba na masama ang loob ng mga lumads dahil hindi tinupad ng NPA ang kanilang mga pangako lalo na ang suporta sa mga pamilya nito.
Pinuri naman ni M/Gen. Arnel Dela Vega ang mga sundalo na naging bahagi sa pagsuko sa mga nasabing miyembro ng NPA.
Giit ni Dela Vega na ang pagsuko ng mga miyembro ng NPA ay isang combined efforts ng 33rd IB sa pamumuno ni Lt Col. Harold Cabunoc at 57th IB sa ilalim ng pamumuno ni Ltc Enrique Clemente.
” The surrender of NPA members reflect the warning influence of the communist movement in the countryside,” mensahe ni Dela Vega.