-- Advertisements --
LA UNION – Pansamantalang pinalaya ng mga otoridad ang 11 overseases Filipino workers (OFWs) na nahuling nagsusugal sa pampublikong lugar sa Hong Kong (HK).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Emily Miranda na ngayon ay nasa Hong Kong, sinabi nito na nagmulta ng HK$5,000 o katumbas ng P30,000 ang mga nasabing OFWs dahil sa paglabag sa social distancing na mahigpit na ipinapatupad doon.
Ayon kay Miranda, muli ipapatawag ng otoridad sa susunod na buwan ang mga nahuling kababayan upang sumailalim sa imbestigasyon dahil sa pagsusugal ng mga ito sa pampublikong lugar.
Hindi na rin pinangalanan ng Hong Kong police ang mga naarestong OFWs.