-- Advertisements --
image 435

Napatay ang nasa 11 Palestinians kabilang ang isang kabataan sa nangyaring raid sa Israel West Bank ayon sa kumpirmasyon ng Palestinian health ministry.

Nasa mahigit 80 Palestinians ang nagtamo ng tama ng baril sa tinawag ng Israeli army na “counter-terrorism” operation na nagbunsod ng pangamba sa international community at panawagan na kumalma sa gitna ng nangyayaring tensiyon.

Ayon pa sa health ministry na ang mga napatay bilang resulta ng occupation agression sa Nablus ay nasa pagitan ng edad 16 at 72.

Ikinalungkot ni top Palestinian official Hussein Al Sheikh ang nangyaring incursion na inilarawan nito bilang “massacre” at umapela para sa international proteksiyon sa kanilang mamamayan.

Una rito, nagsagawa ng raid noong araw ng Miyerkules ang Israeli army kung saan isa sa wanted suspek na nakatakas mula sa gusali ay na-neutralized kasama ang dalawang iba pa na nagpaputok ng baril sa nasabing property.

Inihayag ng Israeli army na target ng ikinasang raid ang mga militanteng suspek sa isang hideout apartment na inakusang nasa likod ng pamamaril sa West Bank bagamat pinaulanan sila ng bala walang naitalang casualties sa kanilang hanay.

Top