-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Umabot sa 11 pamilya na binubuo ng 38 indibidwal ang inilikas dahil sa banta ng landslide sa Brgy. Asassi, Baggao, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Joan Dunuan na inilikas ang mga ito sa Masisit Elementary School, isang sitio ng naturang barangay.

Ayon kay Dunuan na nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation sa mga nasabing pamilya na naninirahan malapit sa kabundukan.

Inihayag ng alkalde na may mga nahuhulog na mga tipak ng bato sa mga kabundukan kasabay ng pag-ulan kahapon.

Aniya, nagpaapot na rin ng relief goods ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga evacuees.