Umabot na sa 11 katao ang nasawi at 122 naman ang naitalang sugatan matapos yanigin ng 6.0 magnitude na lindol ang Changning District sa China.
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay patuloy pa rin ang isinasagawang rescue mission kung saan rumesponde ang 300 bumbero habang nagpadala naman ang National Food and Strategic Reserves Administration ng 5,000 tents, 10,000 folding beds at medical supplies upang gamitin ng mga residenteng naapektuhan ng lindol.
Bumigay naman ang isang hotel na malapit sa epicentre ng lindol ngunit inaalam pa ng mga otoridad kung mayroong nasawi mula rito.
Ayon sa China Earthquake Networks Center, ang pagyanig ay may 16 kilometro ang lalim.
Unang ibinalita ng United States Geological Survey (USGS) na may lakas na 5.8 magnitude ang lindol bago ito itaas sa 6.0 magnitude.
40 minuto matapos ang lindol ay niyanig naman ito ng apat na magkakasunod na aftershocks na di-umano’y may lakay sa 5.1 magnitude.