Hindi bababa sa 11 katao, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi matapos gumuho ang isang gusaling tirahan sa hilagang-silangang bahagi ng New Delhi nitong Sabado, ayon sa mga ulat ng lokal na media at awtoridad.
Naganap ang insidente sa isang distrito na pangunahing tinitirhan ng mga manggagawa. Ayon sa 11 katao ang idineklarang patay habang 11 pa ang nailigtas at dinala sa ospital. Lima sa mga ito ang patuloy na ginagamot.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga naulilang pamilya.
‘Condolences to those who have lost their loved ones,’ ani Modi sa kanyang social media post.
Naglabas rin ng pahayag si President Droupadi Murmu at sinabing labis itong nalulungkot dahil sa pagkamatay ng maraming tao, kabilang ang kababaihan at mga bata.
Wala pang opisyal na ulat ukol sa sanhi ng pagguho, ngunit itinuro ni Delhi minister Kapil Mishra ang umano’y katiwalian sa lokal na pamahalaan, na pinamumunuan ng kalabang partido, bilang dahilan sa pagdami ng mga ilegal na gusali.
Ayon pa sa mga ulat, ang apat-na-palapag na gusali ay “bumagsak na parang baraha,” na karaniwang nangyayari sa India dahil sa dami ng ilegal at mahihinang estrukturang tinitirhan ng mga residente sa malalaking lungsod.
Patuloy ang imbestigasyon habang nagpapatuloy ang rescue operations sa lugar ng trahedya.