-- Advertisements --

Patay ang 11 katao matapos ang pagbangga ng school bus sa mga mag-aaral at magulang sa eastern China.

Naghihintay ang mga mag-aaral na makapasok sa kanilang paaralan sa Tai’an city sa Shandong province ng sila ay banggain ng school bus.

Agad na nasawi sa insidente ang limang mag-aaral at anim na magulang habang mayroong 13 iba pa ang sugatan.

Nasa kritikal na kalagayan naman ang mga ibang biktima na dinala na sa pagamutan.

Habang ang driver ng bus ay agad na naaresto ng mga otoridad.