-- Advertisements --

Patay ang 11 katao kabilang ang 8 bata matapos ang pagguho ng gusali sa Mumbai, India.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na posibleng dahil sa malakas na pag-ulan at kaya nagkaroon ng pagguho.

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa patuloy ang ginagawang search and rescue ng mga otoridad.

Dinala sa pagamutan ang nasa 18 katao na kanilang nailigtas sa mga gumuhong bahagi ng gusali.

Nagpapatuloy na rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.