-- Advertisements --

11 katao sa Cambodia ang nasawi dahil sa pag-inom ng alak.

Ayon sa mga kapulisan isang uri ng alak na gawa sa bigas o “rice wine” ang ininom ng mga biktima habang sila ay nasa lamay.

Pawang dumalo sa lamay ang nasawing biktima sa kampot province.

Bukod sa nasawi ay mayroong 10 mga biktima na nasa lamay din ang dinala sa pagamutan matapos na nakainom din ng alak.