-- Advertisements --

Patay ang opisyal ng militar ng Azerbaijan at limang sundalo nito dahil sa sagupaan sa pagitan ng Armenian forces sa kanilang border.

Umaabot sa kabuuang 11 ang nasawi sa panig ng Azerbaijan habang apat naman sa panig ng Armenian forces.

Nangyari ang insidente sa bulubunduking border sa Nagorno-Karabakh.

Ang nasabing lugar ay kinikilala ng buong mundo na bahagi ng Azerbaijan pero ito ay kinokontrol ng ethnic Armenians.

Naging bahagi ng Soviet Union ang dalawang bansa hanggang maghiwalay noong 1990.