Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na 3 overseas Filipino workers ang nasugatan kung saan 2 ang nasa kritikal na kondisyon matapos sumiklab ang sunog sa 6 na palapag na gusali sa coastal city ng Mangaf sa Kuwait city.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nasa 11 OFWs ang naapektuhan sa sunog na sumiklab ng madaling araw kung saan karamihan sa 200 foreign workers na nasa gusali ay natutulog pa ng mangyari ang insidente.
Inaalam pa ang kalagayan ng 5 iba pang Pilipino na naapektuhan sa sunog.
Aniya, nakikipagtulungan naman na ang DMW sa kompaniyang sangkot at nakikipag-cooperate naman ito.
Base sa Kuwait Interior Ministry, pumalo na sa 49 ang namatay sa sunog habang nasa 56 katao naman ang nasugatan ayon sa Health Minister Ahmed al-Awadhi base sa bilang ng dinalang mga pasyenteng isinugod sa mga ospital
Una rito, ayon sa report ng local media, nagmula ang sunog sa ibabang palapag kayat nahirapang makatakas ang mga nasa itaas na palapag na napuno ng makapal na maitim na usok.