-- Advertisements --

Nakarating na sa Dubai ang crews na sakay ng Norwegian-owned oil tanker na inatake sa Gulf of Oman. May lulan na 11 Russians, 1 Georgian at 11 Pilipino ang “Front Altair.”

Pinuri naman ni Frontline CEO Robert Hvide Macleod ang professionalism na ipinakita ng mga crew sa kabiia ng takot at pangamba na kanilang naramdaman.

All crew members are well and have been well looked after while in Iran,” saad ng inilabas na statement ng shipping company.

Una rito ay pinabulaanan ng mga opisyal ng oil tanker company na limpet mine ang dahilan ng pagsabog ng mga ito.

Taliwas sa unang pahayag na inilabas ng US officials kung saan ang bansang Iran ang kanilang idinidiin na may pakana ng nangyaring aksidente.

Sa ngayon ay magsasagawa na ng inspeksyon sa dalawang oil; tankers ang specialist team upang malaman ang kondisyon at lawak ng pagkasira ng mga barko.