-- Advertisements --
Bacolod

BACOLOD CITY – Nagmamakaawang ma-rescue na sa lalong madaling panahon ang 11 stranded na mga Pinoy kasama ng tatlo ring Indonesian sa Dongguan, China.

Ang naturang mga Pinoy seafarers ay tatlong buwan nang naghihintay para matulungan at nangangananib na rin na mawalan ng matutuluyan dahil malapit ng ibenta ang barkong kumukokop at nagpapakain ng libre sa kanila mula ng sagipin sila sa fishing vessel.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Zaldy Tadiaque ng Iloilo City at isa sa mga stranded na Pinoy sa China, sinabihan aniya sila ng Philippine Embassy sa Beijing na sila umano ang sasagot sa lahat ng gastos nila sa pagkain at accomodation pag nagpa quarantine sila.

ngunit nagdesisyon na lang na sa barko manatili dahil wala na silang pera dulot ng tatlong buwan na wala na ring natanggap na suweldo.

“Pag may nagkasakit dito yan po ang problema namin kasi uubosin kami dito pag nagkaroon ng Covid dito sa Barko, wala kaming perang pang gastos sa pangangailangan namin pati gamot pag nagkataon. Nakikiuusap kami na sana po ma rescue na kami dito,” ani Tadiaque.

Samantala, hindi na rin sila pinapansin ng kani-kanilang agency at takot din kung saan nanaman sila mapadpad dahil nagbabalak nang umalis ng China ang barkong Ocean Star 86 na sinasakyan nila na hanggang ngayon ay ayaw pa ring padaungin sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni Tadiaque na makaabot at marinig sana ni Pangulong Duterte o ng mga opisyal na makakatulong sa kanilang pakiusap dahil nawawalan na rin sila ng pag-asa kaugnay sa kanilang sitwasyon.