-- Advertisements --

Nakatakdang ma-repatriate sa bansa bukas, araw ng Martes ang 11 Pilipinong seaferer na sakay ng cargo vessel na tinamaan ng missile attck ng Houthi rebels sa Gulf of Aden noong nakalipas na linggo.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga mare-repatriate ang 10 Pilipino na hindi nasugatan sa insidente at 1 na nagtamo ng injury.

Mayroon pang 2 na Pinoy seaferer na matinding nasugatan ang nanatili sa pagamutan habang ang mga labi ng 2 tripulanteng Pinoy na nasawi sa pag-atake ay naiwan sa inabandonang cargo vessel at kasalukuyang nire-retrieve habang nagpapatuloy ang salvaging operation sa naturang merchant ship.

Ayon kay Cacdac, tinamaan ng missile attack ng Houthis ang fuel tank ng barko kayat nasunog ito at sobrang init dahilan kayat hindi pa agad mapasok ng team na hinire ng shipowner para isagawa ang salvaging operation kung saan target na marekober ang labi ng mga nasawi sa insidente.

Una rito, naglunsad ang Houthis ng missile attack noong Miyerkules sa Barbados-flagged ship na True Confidence na kinalululanan ng 15 Pilipinong seaferer, 4 na Vietnamese at 1 Indian national na kapitan ng barko.

Ayon kay DMW OIC Cacdac, magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong pinansyal sa mga Filipino seafarer na naapektuhan ng pag-atake. Aniya, iniutos din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang whole of government approach para tulungan ang mga apektadong Filipino seaferers.