-- Advertisements --

Nakauwi na dito sa Pilipinas ang 11 Pilipinong seaferer ng cargo vessel na M/V True Confidence na nakaligtas mula sa missile attack ng Houthi rebels noong Marso 6 habang naglalayag ang barko sa Gulf of Aden.

Kasama sa mga dumating ang 11 crew members kung saan 10 dito ang hindi nasugatan sa insidente habang ang 1 ay nagtamo ng fracture sa kaliwang paa sa kasagsagan ng emergency evacuation subalit kalaunan ay idineklarang fit to travel na ng medical authorities.

Dumating ang mga ito sa NAIA Terminal 3 dakong 5:22 pm at sinalubong ng mga opisyal mula sa DMW.

Kasama din sa sumalubong ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority, at ai Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Ayon sa DMW, nakatanggap ang 11 pinoy seaferers ng P50,000 mula sa ahensiya, P50,000 mula sa OWWA at P20,000 mula sa DSWD.

Ito ay maliban pa sa ibinigay na tulong na ibibigay ng may-ari ng cargo vessel para sa mga survivor na tripulante.

Present din ang mga opisyal ng DOH sa pagdating ng Pinoy seaferers na nagbigay ng psychosocial counseling para matulungan ang mga ito na makarekober mula sa kanilang traumatic experience.