![FB IMG 1661128075514](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/08/FB_IMG_1661128075514.jpg)
Napanatili ng bagyong Florita ang kanyang lakas habang papalapit sa kalupaan.
Ayon sa Pagasa, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 20 kph.
Sa pinakahuling data ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression sa layong 330 km silangan ng Casiguran, Aurora o 400 km hilaga hilagang-silangan ng Legazpi City sa Albay.
Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone warning signal No. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at northern portion ng Aurora kabilang na ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao.
Mararanasan pa rin ang kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol Region, Hilagang Samar, Oriental Mindoro, Romblon at Marinduque.
Posibleng mag-landfall bukas ng hapon o gabi ang naturang bagyo sa east coast ng Cagayan o northern Isabela.
Posible namang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng gabi.