-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police dir. Gen. Oscar Albayalde na nakatakdang ideploy sa Sulu ang 11 pulis na basher niya sa Facebook.

Layon ni Albayalde ay para hindi makaimpluwensiya ang mga ito sa kanilang hanay.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi parusa ang re-assignment ng naturang mga pulis, bagkus ay paraan lamang para sila ay madisiplina.

Nabatid na kulang din ang mga pulis sa Sulu na nagbabantay sa seguridad sa lugar.

Kahapon, nag-report sa Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) sa Camp Crame ang siyam sa 11 pulis na bashers sa facebook ni Albayalde.

Kabilang sa unang batch ng mga basher o kritiko ang isang police senior inspector.

Bukod sa 11 pulis na una nang nag-report, may 20 pulis pa na natukoy ang PNP na bashers din ni Albayalde na inaasahang ipapatawag din sa DIDM sa mga susunod na araw.