KALIBO, Aklan – Tiniyak ng Malay, Aklan-LGU (local government unit) na kanilang minomonitor ang nasa 11 South Koreans na kasalukuyang nakabakasyon sa Boracay.
Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Cornelio Cuatchon ng Provincial Heath Office-Aklan, ang naturang mga turista ay dumaan sa Kalibo International Airport at nakapasok sa Boracay noong Pebrero 25.
Ito’y bago pa man ipinatupad ang travel restriction mula sa Daegu City kung saan may pinakamaraming kaso ng Coronavirus Disease (COVID)-19 sa South Korea.
Sakali aniya na magkaroon ng sintomas gaya ng ubo at lagnat ang mga dayuhan ay agad silang itatawid papuntang bayan ng Kalibo upang i-quarantine sa Aklan Training Center kung saan din ipinasok kamakailan lamang ang 11 Chinese nationals.
Ang 11 Korean ay nakatakda sanang umalis ng Boracay bukas, February 29.
Nabatid na ang Kalibo Airport ay may direct flights sa tatlong lungsod sa South Korea.