-- Advertisements --

Sugatan ang 11 pasahero ng Delta Airlines matapos na tamaan ng malakas na turbulence.

Naganap ang insidente bago ang paglapag ng eroplano sa Hartsfield-Jackson Airport sa Atlanta.

May sakay na 151 pasahero at 14 crew members ang nasabing eroplano na galing sa Milan.

Ang nasabing 11 na sugatan ay kinabibilangan ng ilang pasahero at ilang crew members.

Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.

Tiniyak naman ng airline company na kanilang sasagutin ang lahat ng gastusin ng mga sugatang pasahero.