-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Muntik nang matuklaw ang isang rubber tapper nang habulin ng isang king cobra sa probinsya ng Cotabato.

Sa ulat ng Magpet PNP naglilinis umano ang magsasaka na si Manuel Baroka sa isang rubber plantation sa Barangay Manobisa, Magpet ,Cotabato nang habulin ito ng ahas o banakon.

Nakatakbo ang rupper tapper at kumuha nn sanga ng kahoy kung saan pinalo nito ang makamandag na ahas.

Patay ang cobra nang tamaan sa ulo at sa kanyang katawan.

Ang banakon ay kinatatakutan ng mga mamamayan dahil marami ng taga-lalawigan ng Cotabato natuklaw at nasawi.