-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Hinihintay na lang ng PNP ang resulta ng autopsy sa labi ng isang 11 years old at grade 5 pupil na babae na nagbigti sa Gonzaga, Cagayan.

Sinabi ni Pcpl. JenniJohn Somera ng PNP Gonzaga na ipina-autopsy ang labi ng biktima upang malaman ang kanyang tunay na ikinamatay at matiyak na walang foul play sa insidente.

Sinabi ni Somera na sa kanilang imbestigasyon, iniwan ng kanyang mga kapatid ang biktima sa kanilang silid na nagtutupi ng mga damit para maglaro.

Subalit nang pagbalik ng isa sa kanyang kapatid ay nakita niyang nakabitin na ang biktima sa kanilang kisame gamit ang kanyang pajama.

Agad na sinabi ito ng bata sa kanilang kapitbahay na tumulong na ibaba ang biktima.

Nabatid na saleslady ang ina ng bata sa palengke ng Gonzaga habang madalas naman sa bukid ang kanilang ama.