Mismong ang Fil-Am young aspiring singer na si Angelica Bolando Hale ang nag-enjoy sa kanyang performance sa 4th of July celebration sa Amerika o kaninang umaga (Manila time)
Sa iba’t-ibang social media, umaani ng papuri ang 11-anyos na si Hale para sa rendisyon nito sa “Get On Your Feet” ni Gloria Stefan.
“What a fun performance!!! Hope you all were able to watch! Happy 4th of July everyone!” saad nito matapos ang paghataw sa pagsayaw habang kumakanta.
Narito ang naging performance ni Hale.
Kabilang din sa line up ng taunang concert sina Vanessa Carlton, Vanessa Williams, Carole King, at iba pang tanyag na personalidad mula sa iba’t-ibang talent shows. .
Bago ang naturang “A Capitol Fourth” event sa Amerika, inilabas na rin ni Hale ang kanyang debut single na “Feel the Magic” na siya mismo ang sumulat.
Kung maaalala, gumawa ng kasaysayan si Hale bilang first-ever contestant na nabigyan ng dalawang golden buzzers sa America’s Got Talent (AGT) kung saan lusot na sa elimination rounds at otomatikong pasok na sa finale.
Noong 2017 nang tanghaling second place ang pambato ng Pilipinas sa AGT Season 12, habang kampeon naman ang ventriloquist na si Darci Lynne Farmer
Si Angelica ay maituturing na survivor kung saan apat na taong gulang pa lang ito nang sumailalim sa kidney transplant at ang mismong donor ay ang kaniyang inang si Eva Bolando-Hale na tubong Iligan City. (video courtesy of Talent Recap)