-- Advertisements --
Nasa 110 containers na mga toxic waste ang iligal na itinapon sa port ng Malaysia.
Aabot sa 1,864 na tonelada ng mga electric arc furnace dust (EAFD) ang nadiskubreng itinapons sa Port of Tanjung Pelepas sa Johor state.
Ayon sa mga otoridad na galing sa bansang Romania na ito ay falsely declared bilang concentrated zinc.
Itinuturing naman ni Environment and Water Minister Tuan Ibrahim Tuan Man, ito na ang pinakamalaking pagkakadiskubre ng nasabing basurahan.
Nakatakdang ibalik ng Malaysia sa Romania ang nasabing mga basura at pinapaimbestiga na rin nila sa interpol ang nasabing insidente.