Nasa 110 na NPA members na ang na neutralized ng militar simula nang bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire laban sa mga rebelde noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año na sa bilang na yan ay 22 ang napatay, 15 ang naaresto habang 73 ang napasuko.
Nakarekober na rin aniya sila ng 70 mga armas mula sa mga rebelde.
Ayon kay Año sinasadya nilang i-pressure ang mga komunista sa pamamagitan ng kanilang mga pag-atake para bumalik ang mga ito sa usaping pangkapayapaan at mapagtatanto na wala silang patutungan sa armadong pakikibaka.
Sinabi pa ni Año na kahit ikinakasa nang muli ang nakanselang peacetalks, hindi pa rin sila titigil sa opensiba laban sa npa hanggang hindi nagdedeklara ng tigil putukan si Duterte.