-- Advertisements --

Nasa 110 na mga dayuhan na nasa Gaza ang pinayagan ng umalis matapos na buksan ang Rafah border crossing.

Kabilang sa mga nakaalis ay ang dalawang Filipino na mayroong foreign passport.

Umalis na rin sa Gaza ang 17 mga ambulansiya na lulan ng ilang mga pasyente.

Mayroong 20 trucks na may kargang mga pagkain ang dumating sa Gaza.