-- Advertisements --
Ngayon pa lang ay inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang plano at hakbang para sa seguridad ng papalapit na Semana Santa.
Sa isang panayam sinabi ni NCRPO chief Major Gen. Guillermo Eleazar na higit 11,000 pulis ang ipakakalat ng kanyang tanggapan sa buong Metro Manila para matiyak na walang magiging aberya sa biyahe ng mga motoristang uuwi ng kanilang mga probinsya.
Target daw ng pulisya na bantayan ang mga terminal ng bus kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao.
Siniguro naman ni Eleazar na magiging banayad ang paggunita ng Holy Week dahil wala rin naman daw bantang nababatid ang pulisya kaugnay nito.