-- Advertisements --

Nakumpleto na ngayong araw ang nasa 110,620 na mga Automated Counting Machines (ACMs) sa COMELEC Warehouse sa Biñan, Laguna. Nasa 9,860 ACMs ang na-deliver ngayong araw para sa huling batch.

Pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia at Miru Systems Vice President Mr. Ken Cho ang naturang turnover ng mga machines

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kasalukuyan ng isinagawa ang Hardware Acceptance Test (HAT) sa mga machines para agad na makita ang ano mang problema pagdating sa mismong makina o feature ng ACM, na kailangang iresolba. Ito rin aniya ang kagandahan ng mas maagang pag-kumpleto sa mga naturang machines, mas nasusuri ito ng komisyon.

Sa kasalukuyan, wala pang nakakaharap na malaking problema ang komisyon pagdating sa machine testing.

Pagtitiyak ng komisyon na target matapos ang lahat ng testing bago matapos ang Disyembre

Ipinahayag din ni Miru Systems Vice President Mr. Ken Cho ang tiwala ng kumpanya na mag-supply ng machines para sa Eleksyon 2025 dahil nakikitaan niya aniya ang bansa ng pagiging sistematiko at organisado para sa halalan sa susunod na taon.

Ang Miru Systems ay ang service provider para sa Eleksyon 2025.