-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakatakda nang buksan sa publiko ang mga pangunahing parke sa City of Pines kasabay ng virtual celebration ng ika-111 taon na charter anniversary ng Baguio City.

Magsisimula rin ngayong araw ang tatlong araw na dry-run ng iba’t ibang aktibidad na magbubukas sa mga parke partikular ang boating sa Burnham Lake, pagbibisikleta sa Burnham Park at horse riding sa Wright Park.

Isasagawa ang dry-run bago ang pormal na pagbubukas ng mga parke sa lungsod sa Biyernes, September 4.

Samantala, magsisilbing pangunahing panauhin ng selebrasyon ng Baguio Charter Day si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dumating na sa lungsod kahapon.

Limitado naman ang programang gagawin sa Baguio Convention Center at masusunod ang mga health protocols para maiwasan ang mas pagkalat ng coronavirus.

Mapapanood sa live streaming ang programa kung saan mabibigyan din ng tribute ang mga frontliners na tinatagurian ngayon bilang modern day heroes dahil sa tapang at sakripisyo nila sa kampanya laban sa coronavirus.

Ang taunang September 1 ay special non-working holiday sa Baguio City bilang selebrasyon sa Charter Day nito sa ilalim ng Republic Act 6710.

Tema ngayong taon ay “Angat Tayo Baguio.”