-- Advertisements --

Nasa 112 katao na ang nasawi sa naganap na landslide sa Maharashtra, India.

Nagdulot ng mga landslides ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa nasabing bansa.

Maraming bahay din sa Raigad districts ang tinangay ng rumaragasang tubig.

Bukod sa mga nasawi ay marami rin ang naiulat na nawawala.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay mahigit 30 katao rina ng nasawi sa Mumbai, India dahil rin sa landslide at ang pagguho ng mga pader.