Kinumpirma ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nasa 114 na mga indibidwal kabilang ang mga madre ng Religious of the Virgin Mary na matatagpuan sa 214 N. Domingo Street, sa Quezon Ciy.
Ayon kay QC CESU director Dr. Rolly Cruz, sa 114 cases ng Covid-19 na nag positive apat dito ay drivers, 18 lay partners, Health aide 14, caregivers-13, isang nurse, tatlong nurse at 61 madre.
Sinabi pa ni Dr. Cruz, sa nasabing bilang 22 ang asymptomatic; ang mild nasa 86; moderate-apat t dalawa ang severe na kasalukuyang ginagamot na sa ICU ng infirmary.
Batay sa report karamihan sa mga madre sa nasabing kumbento ay mga senior citizens na.
Matatandaang noong isang linggo, ni-lockdown ang isang orphanage sa siyudad matapos magpositibo sa COVID-19 ang 122 sa 168 na mga nakatira sa pasilidad.
Sa kabilang dako, as of 8 am, September 15, nasa mahigit 1.7 or 102.97 % ang naturukan ng first dose.
Nasa mahigit na 1,232,681 or 72.51 % target population ang fully vaccinated.
Batay naman sa data ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) as of September 14,ang siyudad ay nakapagtala ng nasa kabuuang 13,441 cases of COVID-19 sa mga batang may edad 0 hanggang 17 years old.
Sa ngayon naghahanda na ang Queon City government para sa gagawing city-wide registration para sa rollout ng vaccination program para sa mga kabataan na may edad 12-anyos hanggang 17-anyos.
Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang QC Task Force Vax to Normal sa mga public and private schools para matukoy ang bilang ng mga currently enrolled students na may edad 12-17 years.
Batay sa taya ng pamahalaang lokal nasa 267,000 ang bilang ng mga estudyante sa nasabing age bracket.